• RSS
  • Email
  • Follow us
  • Become a fan
  • TOp cat Nav1
  • TOp cat Nav1
  • Top cat Nav1

Kapihang Pilipino

Daily news takes on Philippine affairs

  • Cat Nav
    • Sub cat Nav1
    • Sub Cat Nav2
  • cat Nav
  • cat Nav
  • cat Nav

Sa muling pagtanaw, tunay ngang may karapatan si Dolphy sa karangalang maging National Artist. Kung inyong panonoorin ang kanyang mga obra, ang mga pelikulang minsang nagpapawi ng ating mga lungkot at nagbigay saya, sa una'y aakalain nating simpleng ginawa at hindi napagisipan. Sa kabilang banda, sa muling pagtingin, hahantong tayo sa konklusyong ang bawat obra'y isang porma ng magaling na sining.

Tulad ng iba pang genre sa pelikula, ang komedya ay isang sining sa kanyang naturalesa. Sabi nga nila, mahirap patawanin ang mga Pilipino. Sa mga audiences sa buong mundo, ang Pinoy ang napakahirap aliwin bunga marahil ng ating pagiging likas na mapuna sa bawat gawi at kilos ng kapwa tao. Mayroon ding mataas na pang-unawa sa sining ang bawat Pinoy, kaya naman, hindi naaaliw basta basta ang Pinoy. Dahil bukas ang diwa ng Pinoy sa iba't-ibang uri ng aliw, ang isang eksenang nakaka-aliw, para sa Pinoy, ay tunay na nakaka-aliw.

Sa mga pelikula ni Dolphy, makikitaan ito ng isang malalim na pag-atake sa mga eksena. Mararamdaman mo na pinag-isipang mabuti ang bawat pelikula, hindi tulad ng mga pelikulang komedya sa kasalukuyan na sumasalalay sa pisikal na kaayuan ng aktor upang makapagpatawa, o kaya'y kinakasangkapan ang kanilang kasarian upang makapagpatawa.

Ang estilo ni Dolphy ay bunga pa ng kanyang malalim na pag-unawa sa mga taktika ni Charlie Chaplin, isang komedyanteng nabuhay noon pang walang diyalogo ang mga pelikula. Kinukuhang makapag-aliw ni Chaplin sa pamamagitan lamang ng kanyang mga kilos at galaw ng mukha. Situational, ika nga ang mga eksena, at dahil pinag-isipang mabuti at malalim, ang bawat eksena'y nakakapagdala ng likas na aliw sa mga manonood.

Pinag-aralang mabuti ni Dolphy si Chaplin. Kaya naman, ang kanyang mga galaw na nakaka-aliw ay lumalabas na natural pagdating sa lona. Gayundin naman, sa paggamit ng mga karakter na makakasama sa kanyang pelikula, ito'y pinagisipan at hindi lamang dahil sikat o kaya'y paborito ng direktor.

Nakaka-aliw ang mga ordinaryong eksenang kinasangkutan ni Dolphy sa kanyang mga pelikula dahil nagiging instrumento ito upang matanto natin ang ating sariling mga nakatatawang karanasan. Kitang kita natin ang ating mga sarili kay Dolphy. Kaya naman, isa si Dolphy sa mga batikang artistang hindi kailanman mawawala sa diwa at isipan ng madlang Pinoy.
Maligayang pagdating sa Kapihang Pilipino!


Nais ko kayong pasalamatan sa pagdalaw ninyo sa blog na ito. Tunay ngang isa itong karangalan na makasalo ko kayo sa pagtalakay sa mga maiinit na isyu ng ating bayan.


Sa Kapihang Pilipino ninyo matutunghayan ang malalimang pagtalakay sa mga isyung panlipunan sa ating sariling wika. 


Sariwa at mayaman ang ating wika sa mga kataga na matalinhaga. Kung atin lamang itong gagamitin, at tatangkaing pagsalu-saluhan sa araw-araw, ating pagyayamaning lalo ang ating sariling wika.


Matamis sa dila ang gamitin ang sariling wika sa pagpapahayag ng mga tunay na damdamin at mga opinyong malapit sa ating mga puso.



Newer Posts Home
  • Recent Posts
  • Feature Posts
  • Comments

Category

  • dolphy's films (1)
  • kapihang pilipino (1)
  • obra ni dolphy (1)
  • pelikula ni dolphy (1)

Archive

  • 2012 (2)

Catwidget1

Catwidget2

Catwidget3

Catwidget4

Kapihang Pilipino © 2011. All rights reserved. Designed by SpicyTricks